K to 12 Learners: Ready to Face Life’s Challenges

I am sincerely humbled and delighted to be invited as a guest speaker of my Elementary and High School Alma Mater. It has been a great opportunity to be able to speak in front and share my life’s challenges when I was studying.

I decided to also publicly post my actual-unedited speech into this blog page.

I know, a lot of people who contributed and helped me succeed in my studies were not mentioned on this speech, but you know who you are. Please know that I am grateful and thankful, I hope I make you proud.

Disclaimer: I used Filipino as a language to be able to connect more with my audience and also our native dialect, Ilocano because I missed expressing my feelings in Ilocano. 🙂

Maraming Salamat Ginoong Romar Vinasoy.
Sa ating mga mag-aaral na magsisipagtapos; at sa kanilang mga magulang, nais ko po kayong batiin sa napakaimportanteng okasyon na ito.
Sa mga masisipag na guro na pinamumunuan ng ating punong guro Ginang Mariesol Ramirez.
Sa lahat ng ating mga kagalang galang na mga bisita na nagmula sa Pangalawang Distrito ng San Mariano na pinamumunuan ng ating magaling na District Supervisor Ginoong Edward Vizcara.
Sa ating butihing Punong Brgy. Ginoong Anilex Damaso at sa mga kasamahang konsehal ng barangay.
Sa ating mga minamahal na ka-barangay.
At sa mga bisita na naririto.
Isang mapagpalang hapon po sa ating lahat.

Noong ako po ay masabihan tungkol sa imbitasyong ito, nakaramdam po ako ng kaba.
Dahil mahigit siyam na taon na magmula noong huli akong nagsalita dito mismo sa harapan, taong 2009 noong nagtapos ako ng Sekondarya at nag bahagi ng aking Valedictory Address.

Iyon ang aking pamamaalam at pagpapasalamat sa ating Alma Mater Marannao Integrated School bago ako magpatuloy sa aking pagkamit ng mas mataas pang edukasyon.

Ngunit sa kabila ng kaba, ako po at nakaramdam pagkasabik.  Dahil narito akong muli sa inyong harapan upang magbahagi naman ng aking mga kwento ng pagsubok at tagumpay.
Dalangin ko na lahat din ng mga graduates and completers ngaung taon ay makabalik din dito sa Marannao dala dala ang kanilang mga sariling kwento ng pagsubok at tagumpay.

Nais ko pong ipabatid sa inyong lahat na ako po ay lubos na nagagalak sa pagkakataong ito.
Isang  bribelehiyo pong maituturing ang tumayo sa inyong harapan at magbahagi ng inspirasyon at pag-asa para sa lahat.

Noong tinanong ko po kung ano ang tema, ito ang sinabi sa akin, “Mag-aaral ng K to 12, handa sa hamon ng buhay.”

Sisimulan ko ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking karanasan nuong ako pa ay katulad ninyo na nag-aaral hanggang sa tumuntong ako sa kolehiyo at makatapos ng pag-aaral.

Hindi niyo po siguro aakalain ngunit napakarami ko ring napagdaanang hamon sa buhay kasama ang aking pamilya.

Naaalala ko pa noong ako ay nasa Elementarya at Sekondarya, sa tuwing merong extra curricular activity ang paaralan at kailangan ng pang baon o pang-rehistro, madalas po na walang budget ang aking mga magulang, ngunit dahil naniniwala sila na kailangan ko ito sa aking pag-aaral, gumagawa po sila ng paraan at minsa’y umuutang pa.
Mahilig pong gumawa ng Ice candy ang mama ko, kame naman ng aking kapatid ang naglalako, mula Ammiyanan hanggang Gahitan, isu siguro nangingisit kame ta naknaksitan kame iti init idi ubbing kame. Nu dudduma maabutan kame ti tudo ken kamatin nakam pay ti aso.

Idi dumadakkel kamin ket umaway kami metten idjay talun, mapan kami agturnok iti similya ti tabako, agmula ti tabako ken mais.
Napadasak ti agabono ken agburas ti mais, agsikka, pati igiiggis ti mula nga tabako, kinna adwan kin pinadadakkilan kame idi iti iggis nga maala.
Isu dagijay ti ay-ayam mi idi.
Ammu yu jay agpalyu? Isu jay Agiyubon ti bulong ti tabako iti kinayas nga kawayan.
Adda pay idi haan nak nakasirrik jay iskwela ta haan ko pulos maiggaman ti lapis wennu ballpen, haan nak makasurat, kasano ket permi nga lumteg dagitoy imak, ta ngamin nagdadagsin dijay buneng nga us-usarin mi nga agtagbat ti puon ti tabako.

Dito ko napagtanto na kailangan kong galingan sa pag aaral upang ako ay makatapos dahil, napakahirap ang magtrabaho sa bukid bukod sa iitim ka talaga, ayaw ko na habang buhay doon nalang ako.

Ti ammu ti sabali, haan mi ammu ti rigat, agpaysu nga idi uubbing kame ket maited dagiti amin nga masapul mi, ngem madi da kami sinanay iti luho.
Agyaman nak kadagiti nagannak mi ta insuro da kami nga agtrabaho, sakbay mi maala dagiti kayat mi.

Lalong naging mahirap ang aking pagku-kolehiyo, bukod sa kailangan ko nang magkaroon ng lingguhang baon meron pa akong buwanang bayarin sa renta.
Buti nalang napakalaking bawas yung hindi ko pagbayad ng matrikula, alam niyo po ba na nuong nag enroll ako bilang first year college.
300 pesos lang po ang kinailangang bayaran sa paaralan para makapag umpisa na akong magkulehiyo.
Naging Scholar po ako. Nakita ko kung gaano nabawasan ang pag aalala ng mga magulang ko.
Ngunit sa kabila nito, mayroon parin akong mga libro o project na kailangang bilhin, sabay na kame nuon ng kapatid ko si Mabel sa pag aaral ng kolehiyo, lalong nabaon sa utang ang mga magulang ko.
May mga nagsasabi noon, “agpaadal da ngamin nu haan da kaya.”
Hindi ito itinago sa amin ng aming mga magulang, ngunit hindi nmin sila nakaringgan na magsabing, “titigil na kame sa pag aaral.”
Sa halip lalo pa nilang ipinursige at itinaguyod ang pag aaral naming magkapatid.

Para makatulong, nag partime Job po ako sa isang Grocery Store sa bayan bilang taga karton  ng sakada at minsa’y nag kakahera din.
Naranasan ko rin ang mag liha at mag varnish ng katre o sala set.
Ginagawa ko ito sa tuwing umuuwi ako ng sabado o Linggo.
May mga pagkakataon na ang dala ko lang paluwas ng Echague kung saan ako nag- aaral ay perang sapat lamang pamasahe, isang basket na ang laman ay bigas, saging, puso ng saging papaya at tukmim ta mapan kami agin-tukmim nukwa jay karayan.
Minsan hindi nadin ako umuuwi dahil sayang ang pamasahe, mag tetext nalang sila mama at papa na nagpadala na sila sa elf ni ankle Marcel na bumibyahe pa-Pangasinan kada linggo, hinihintay ko po yun sa highway, tapos pagdating, ang pinadala pala ay isang basket ng bigas, saging, puso ng saging, papaya at tukmim.
Ang baon ay hindi dumarating kada linggo, madalas kalagitnaan na o di kaya ay next week na.
Meron akong isang biyahe na hindi makakalimutan, pauwi ako noon dito sa Marannao, sumakay ako ng Bus mula Echague hanggang Junction San Mariano, sinisingil ako ng kundoktor ng 40 pesos, sabi ko “Kuya, studyante 30pesos lang, linggo linggo po kaya akong bumabiyahe.” Ang sagot niya, “Ading, 40pesos na, at araw araw akong bumabiyahe!” Galit pa si Kuya.
Minsan po pagdating sa bayan nilalakad na namin mula Cataguing hanggang dito sa Marannao, kasi 5 pesos lang ang bangka.

Sa mga minutong inilaan ko sa paglalakad, yun yung mga oras na napapaisip po ako at nangangarap.
Sabi ko dati kailangan kong matapos ng pag aaral on time, kung kaya’t ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang makapag tapos ako.
Nag summer classes po ako, at sa awa ng Dyos natapos ko yung kurso ko sa loob lamang ng tatlo’t kalahating taon.
Yung isang semester po ay napaka laking ginhawa na aking mga magulang.
At nakapag partime ako habang naghihintay ng diploma.
Napakasaya magtapos, lalo na kung maiisip mo lahat ng hirap mo at ng iyong mga magulang.

Akala ko dati tapos na ang pagharap ko sa mga pinaka mahihirap na hamon ng buhay dahil graduate na ako at maari na akong makapag trabaho.
April 2013 nuong madisgrasiya sa motorsiklo ang aking mama at papa.
Malala po ang naging kalagayan ng aking ina, naputol po ang buto sa kanyang hita at nagkaroon po ng bitak ang kanyang tuhod.
May 2013 nuong lumuwas ako ng Manila para magtrabaho, unang hamon na aking hinarap ay ang mag-isa sa murang edad na dalawampu dahil kailangan kong magtrabaho at kumita.
Pangalawang hamon, lahat po ng kinikita ko noon ay napupunta sa operasyon at pagpapagamot ng mama ko at minsan ay nagkukulang pa.

Marami pa po akong napagdaanan mga hamon ng buhay, abangan niyo nalang po ‘yung kwento ko sa MMK. Hehe Joke lang po.

Sa mga magulang, lolo, lola o nakakatanda na naririto ngaun, importante po ang gagampanan ninyong papel sa  buhay ng inyong mga anak.
Kailangan niyo pong ipakita sa inyong mga anak ang tunay na estado ng inyong pamumuhay, kung ano po ang inyong mga hirap at sakripisyo upang maintindihan po nila ang kahalagahan ng pagsisipag, pagsisikap at pagtitiis upang makamit ang kanilang mga pangarap.
Kayo po ang magiging batayan ng pagiging matatag ng mga anak niyo sa pagharap sa anumang hamon ng buhay, kahit po wala na kayo sa kanilang mga tabi.

Siguro po kung noong mga panahong nahihirapan ang aking mga magulang sa pag papaaral at sumuko sila, malamang hindi po ako makakapag tapos at wala po ako sa harapan ninyo ngaun.
Kapag hindi nila ako hinubog na maging responsable, masigasig, masikap at masipag, siguro noong mga panahong nalulungkot at nahihirapan ako sa Manila ay sumuko nadin ako at umuwi nalang dito sa baryo.

Kung kaya’t ang tunay na determinasyon ng mga anak ay naguumpisa sa turo hindi lamang ng mga guro kundi lalo na ng mga magulang.
Samahan ito ng pagtuturo sa mga bata magagandang asal, na rumespeto sa mga nakakatanda, at lumaking may takot sa Diyos.
Sabi nga po sa Biblya: “Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran at hanggang sa paglaki’y hindi niya ito malilimutan.” (Mga Kawikaan 22:6)
Sa mga mag aaral, makinig kayo, kung ngayon o sa mga darating pang mga araw, na makakaramdam kayo ng hirap, magpakatatag kayo, kung may mga hamon o pagsubok kayong hinaharap or kahaharapin, isipin niyo laging parte iyan ng pagpapatatag ng inyong puso para sa mga darating pang hamon ng buhay.
Maliwanag ba? Sige nga sabihin mo sa katabi mo, PUSO! Tapos sagutin mo sabihin mo rin, TATAGAN MO.

Yung programa na K to 12 na may dagdag na taon sa pag aaral, isa itong instrumento upang lalo kayong mahubog at mahasa.
Ituring niyo itong isang Hamon sa buhay na kailangan niyong tapusin.
Kung sa iskwelahan ay nakakaramdam kayo ng mga hamon ng buhay, hindi ako naiiba sainyo.
Katulad ninyo, naranasan ko rin, magbatengteng ng maaga sigurado ako yung mga malalapit ang bahay sila ang nakatoka.
Ang maglinis ng CR, maglampaso ng sahig, mag-bunot ng damo, mag-igib ng tubig sa poso para magdilig ng mga halaman, at kahit pa ang magdurog ng dumi ng kalabaw para maging pataba.
Marahil yung iba sa inyo naiisip, kung sana nasa private school lang ako, hindi sana kame magkahati ng libro ng kaklase ko, hindi sana mag-uutos si Ma’am o si Sir kasi may janitor na taga linis, hindi sana mainit ang aming silid aralan dahil may Aircon.
O di sana nakakapag aral ako ng maigi.

Ngunit mga mahal kong mag-aaral, sasabihin ko sainyo na hindi nasusukat sa kung saang paaralan ka nag-aral at nagtapos upang maging matagumpay sa buhay, nasusukat ito sa sipag, determinasyon at tiyaga sa pag-aaral upang makamit ang inyong mga pangarap.

Alam niyo ba na isa sa mga inspirasyon ko sa buhay ay ako ay nagmula sa isang public School.
Kapag tinatanong ako ng mga katrabaho at kaibigan ko sa Manila kung saan ako nag-aral, kailan man ay hindi ko ikinahiya na ako ay nagmula sa isang public school mula Elementarya, Sekondarya hanggang Kolehiyo.
Alam niyo kung bakit? Kasi meron akong mga karanasan o pagsubok na napagdaanan sa buhay na maari kong ikwento sa iba na pwedeng makapagbigay ng inspirasyon.

Tandaan ninyo, lahat ng mga pinagdadaanan niyo ngaun pwede yang maging parte ng kwento niyo kapag kayo naman ang magsasalita dito sa harapan.

Gusto niyo bang malaman kung bakit naniniwala ako na kaya niyo ding maging matagumpay?
Kaya niyo dahil nandiyan ang inyong mga pamilya na handang sumuporta at magsakripisyo, nandyan ang ating mga guro na walang sawa kung magturo upang masigurado na makapagtapos kayo.

Sa aking buhay, masasabi kong nagkaroon ako ng tunay na tagumpay at kaligayahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng personal na relasyon sa ating Diyos na si Jesus.
Ang ating Dyos ay hindi lamang po taga tupad ng ating mga panalangin kundi gabay at patnubay po natin sa araw araw kayat marapat lamang po na siya ay ating pasalamatan at papurihan sa tuwi tuwina.
Sa lahat ng aking napagdaanan at napagtagumpayan, hindi ko gustong ipagmalaki ang aking sarili kundi nararapat lamang na itaas ang lahat ng papuri sa Panginoon na siyang naging kasama ko mula noon hanggang ngayon.
Sabi po sa paborito kong verse sa Biblya:
“Sa lahat ng iyong gawain siya nga’y alalahanin, upang ika’y patnubayan sa iyong mga tatahakin. Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman; igalang mo’t sundin ang Dyos at lumayo ka sa kasamaan. Sa gayon, ikaw ay lalakas at magiging matatag, mawawala ang pighati at gagaling ang iyong sugat.” (Mga Kawikaan 3:6-8)
Bilang pagtatapos, iniiwan ko po ang isang hamon na ito.
Tulad ng isang tunay na ginto, ito’y kailangang dumaan sa napaka-init na apoy, mahirap at masusing proseso upang higit na makita ang ningning nito.
Gayundin ang tagumpay ng isang tao, kailangan nitong dumaan sa napakaraming pagsubok kakambal ng mga pawis, pagod at luha.
At kapag ang lahat ng ito ay nalampasan, kapalit nito ay tatag na walang sino man ang makakatibag dahil hindi matitinag ang pusong dumaan na sa hamon ng buhay.

Mabuhay ang ating mga mag aaral, magulang, at mga Guro.
Mabuhay ang ating Panginoon.

Maraming Salamat po.

“Worthy are You, our Lord and our God, to receive glory and honor and power; for You created all things, and because of Your will they existed, and were created.”
Revelation 4:11

cropped-love-mae.png

2 thoughts on “K to 12 Learners: Ready to Face Life’s Challenges

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s